Author Topic: Ako ang Mabuting Pastol  (Read 755 times)

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

Offline arsen

  • Cadet
  • *****
  • Posts: 1
Re: Ako ang Mabuting Pastol
« Reply #15 on: December 10, 2008, 01:17:39 AM »
Mainit init yung usapan na to ah.

Marahil out of topic ako. At dahil baguhan ako dito at wala naman akong intensyon makapagdebate at naisip ko na magpost sa active discussions. Pwede po bang magpahiwatig ng aking personal opinion? or mensahe para sa mga bumuo ng samahan nyo kung sinu-sino man sila.

Bago nga pala ako magpatuloy ay gusto ko lang linawin na wala akong masamang tinapay sa inyo mga members ng 4thwatch. Saludo ako sa devotion nyo. Gaya ng pinakamamahal ko, biktima rin lang kasi kayo ng dunong ng mga pinuno nyo kung paano paikutin at takutin ang mga kaluluwa nyo hanggang sa kayo ay tuluyan ng lumubog at tuluyan ng mabulag dahil sa takot. Sa nakikita ko at very effective at wala ng hihigit pang instrumento para ma control ang isang tao maliban sa e threaten ang buhay nya. At lalong-lalo na ay ang gagamitin pang sandata ay ang concrete evidence ng Salita ng Dios sa pamamagitan ng Bibliya.  At ang buhay na pinag-uusapan pa dito ay ang kabilang buhay. Buhay na walang hanggan kung tatawagin. Kaya kung sa langit ka mapunta eh walang hanggan at tunay na kaligayahan eh kung sa opposite naman eh walang hanggang nag-aapoy na paligid. Pero sa kabila ng mga naunang sinabi ko eh linguhan naman kayo nililibang sa buong araw hanggang gabi pa nga na mga programa at pagpapapita ng talento di ba? Saan ka pa. Masayang samahan di ba?

Alam nyo sa totoo lang hinde ganun kadali itong ginagawa ko. Ayaw ko rin na makasira ng faith kasi yun lang din nagiging puntahan natin as human being kapag nagkakaroon tayo ng napakahirap na sandali sa ating buhay. Masama lang talaga ang loob ko na isipin na yung mismong huling puntahan pa natin bilang nilalang ay pinapakinabangan pa ng kapwa rin lang nating nilalang. Kahit medyo imposible pero hoping lang ako na baka meron iba dyan na mahimasmasan at magising sa katotohanan bago pa tuluyang mawala ang logic at tuluyang masakluban ng kung tawagin ay faith without thinking. At isa na dyan sana na mahimasmasan ay ang sinasabi ko sa taas na pinakamamahal ko.

Alam nyo kasi matagal-tagal na rin ako sumusubaybay sa website ninyo at sa site ng bereans. At sa totoo lang napapailing ako sabay tsk! tsk! tsk! madalas sa mga logic ng iba nyong die-hard na frontliners sa mga threads. Isang classic example dito at para maging relevent naman ako sa topic ng thread na to ay ang reply #13 ni mengski_01 para ka Scorpia. Kung uunawain nyo mabuti ang sagot ni mengski (4thwatch ka nga ba? Sorry bro kung hinde ha nakikita ko kasi ang pattern ng 4W eh) ay lumalabas na sa tanang buhay nya ng pamamalagi sa 4thwatch? eh puro basa lang sya sa biblia at hinde pa nya nakaka-usap ng personal ang Panginoon. At lumalabas na hinde sya kinaka-usap ng Panginoon. Matanong ko lang. Kapag tayo ba ay kinukonsensya para gawin kung ano ang nararapat, tuwid, mabuti at para sa kapakanan ng mas nakakarami. Sino kumaka-usap sa puso natin?  Hinde ba tayo kinaka-usap na ng Panginoon sa mga oras na yun? Lagi ba natin hanapin ang kasagutan sa Bible or kailangan ba na galing  sa mga iniidolong Pastor para makarinig ng Salita ng Diyos? Hinde ba pumasok ni minsan sa mga isip nyo na karamihan sa mga nasusulat sa Bibliya ay mga nilalaman ng puso ng nga writers na sya naman kinaka-usap ng Diyos? 

Some ideas to ponder lang. Kasi lahat tayo, sa bawat desisyun natin ginagawa andyan ang Panginoon sa atin puso para ipa-alala kung ano ang tama. Ayaw lang natin pansinin at minsan kung di man madalas dinadaig tayo ni…….. you know who na rin cguro di ko na sya babangitin..:)

Offline edjay™

  • Glad to be a part!!
  • Junior Global Moderator
  • *****
  • Posts: 1965
  • Who Shall Separate us from the LOVE of CHRIST
Re: Ako ang Mabuting Pastol
« Reply #16 on: December 10, 2008, 07:01:18 AM »
^ For your information, this is a public forum,  lahat po ng mga members dito sa forum na ito maaaring maglabas ng kanyang saloobin, all post of our members here in portal are not officially statement of the PMCC 4th Watch, it is their own opinion.. :)
THE WORDS of the LORD are pure words: 
Psalms12:6

Offline Aquila

  • Junior Global Moderator
  • *****
  • Posts: 916
  • Gather all things for CHRIST !!!!!
Re: Ako ang Mabuting Pastol
« Reply #17 on: December 10, 2008, 09:09:19 AM »
Quote
Mainit init yung usapan na to ah.
Mas mainit 'yung pinost mo, arsen.

Quote
Marahil out of topic ako.

Hindi lang out of topic, kundi ang mga sinasabi mo ay pawang baseless and unfounded.

Una, HINDI kami biktima dahil ang faith namin ay nasa Bible.  MALI ang sinasabi mo na pinapaikot kami ng mga pinuno namin at tinatakot ang mga kaluluwa namin hanggang sa kami ay tuluyang lumubog at mabulag.  Ang totoo, IKAW ay biktima ng sarili mong interpretasyon na walang basehan.  'Yan namang akusasyon mo ay ginaya mo lang sa iba e, narinig mo lang iyan.  ;D

Pangalawa, 'yung sinasabi mo na 'yung mismong huling puntahan pa namin bilang nilalang ay pinapakinabangan pa ng kapwa rin lang naming nilalang na ang tinutukoy mo ay pinapakinabangan lang kami ng mga puno namin, MALI ka na naman diyan.  Ang totoo kami na mga members ang nakikinabang ng husto sa pagtanggap namin ng faith.

Pangatlo, you tried to substantiate your point against our group sa pamamagitan ng pagsusuri kay mengski_01.  For your information si mengski_01 ay hindi namin kasama sa faith.  So I am very sorry, invalid 'yung buong paragraph na naka-blue font sa post mo. Your argument becomes weaker dahil diyan.

Wala rin akong masamang tinapay sa iyo.  Baseless kasi ang mga sinabi mo.  Ngayon kung mayroon kang basehan sa mga sinasabi mo, pakipost para mapatunayan mo na totoo ang sinasabi mo.  But for now, they all remain NOTHING BUT YOUR OPINION.

Pakisabi na rin kung anong grupo ka kabilang, kung meron man.  Salamat.
Cast down imaginations, and every high thing that exalts itself against the knowledge of God

Offline scorpia

  • Forum Citizen
  • *****
  • Posts: 463
  • Seek your own salvation who is no other but God
Re: Ako ang Mabuting Pastol
« Reply #18 on: December 10, 2008, 10:04:38 AM »
Matanong ko lang. Kapag tayo ba ay kinukonsensya para gawin kung ano ang nararapat, tuwid, mabuti at para sa kapakanan ng mas nakakarami. Sino kumaka-usap sa puso natin?  Hinde ba tayo kinaka-usap na ng Panginoon sa mga oras na yun? Lagi ba natin hanapin ang kasagutan sa Bible or kailangan ba na galing  sa mga iniidolong Pastor para makarinig ng Salita ng Diyos? Hinde ba pumasok ni minsan sa mga isip nyo na karamihan sa mga nasusulat sa Bibliya ay mga nilalaman ng puso ng nga writers na sya naman kinaka-usap ng Diyos?  [/color] [/b]

Some ideas to ponder lang. Kasi lahat tayo, sa bawat desisyun natin ginagawa andyan ang Panginoon sa atin puso para ipa-alala kung ano ang tama. Ayaw lang natin pansinin at minsan kung di man madalas dinadaig tayo ni…….. you know who na rin cguro di ko na sya babangitin..:)

Papaano natin hahanapin ang tamang kasagutan kung dumadating tayo sa punto ng sinasabi mong ito (inwardly ay may kumakausap sa atin), papaano natin masisiguro na makakakuha tayo ng tamang kasagutan? Maganda ang punto mo dito at sana ay maibahagi mo ang sa ganang para sa iyo kung papaano ito mabibigyang kasagutan?

Offline scorpia

  • Forum Citizen
  • *****
  • Posts: 463
  • Seek your own salvation who is no other but God
Re: Ako ang Mabuting Pastol
« Reply #19 on: December 10, 2008, 10:12:37 AM »
Una, HINDI kami biktima dahil ang faith namin ay nasa Bible
Paalala lamang Aquila na ang biblia ay hindi ang Dios at di ba mas marapat na ang faith natin ay nasa Dios na buhay at totoo. Kung ang faith ay nasa bible, kung ano ang nasasaad sa biblia at kung papaano ito nauunawaan ng bumabasa, iyon ang sinusunod ng bumabasa kaya ang suma total ay ang biblia ang sinusunod niya at hindi ang Dios sa katotohanan kung papaano umiiral ang buhay at totoong Dios.

Pangatlo, you tried to substantiate your point against our group sa pamamagitan ng pagsusuri kay mengski_01.  For your information si mengski_01 ay hindi namin kasama sa faith.  So I am very sorry, invalid 'yung buong paragraph na naka-blue font sa post mo. Your argument becomes weaker dahil diyan.
Kaninong samahan ba nakaanib si mengski sa pagkaka-alam mo, mukhang taga ADD siya?


Offline mengski_01

  • Cadet
  • *****
  • Posts: 24
    • Truthcaster
Re: Ako ang Mabuting Pastol
« Reply #20 on: December 10, 2008, 05:07:10 PM »
Gumagamit Siya ng mga anghel, mga salitang nababasa kahit saan,

Tanong: Ang tinutukoy mo ba na salitang nababasa kahit saan, isa ba rito ang biblia na kinasusulatan ng mga salita ng Dios?

"imbes na sa relihiyon mo patuloy na ikulong ang sarili mo at magpakadunong sa pag-unawa sa biblia."  at "hindi ang anomang relihiyon at ang biblia."

Tanong: Pakipaliwanag kung anong ibig mong sabihin sa "relihiyon" ayon sa sarili mong interpretasyon.

 
Di ba’t si Moses ay nakausap ang Dios sa bundok ng Sinai pero di naman niya nakita mismo ang Dios ni narinig ang tunay na tinig ng Dios, pero sa kabila noon ay maliwanag na sagutan ang pag-uusap nila ng Dios dahil ang Dios ay gumamit ng tinig at anghel at burning bush bilang mga vessels para makipag-usap Siya kay Moses,

Tanong: Anong vessels naman ginamit para maniwala kang tinig ng Panginoong Jesus ang Narinig mo, tulad din ba ng anghel at burning bush? O di, kaya ay Celfone  ;D o kaya sa internet nakipag chat ka sa kaniya (vessels din na matatawag 'yun)  ;D
Hindi naman ito sa panunuya kasi nasa makabagong panahon na tayo, high tech na ang mga gadget.


"...sinasabi ko na mismong ang Panginoong Jesus ang dapta nating dinggin at sundin at hindi ang biblia batay sa ating pang-unawa?"


Tanong: Anong katibayan mo naman na hindi sariling unawa mo ang sinasabi mo sa Juan 10:3 at Juan 10:27?


Bakit si Jesus ay walang sinabing anoman tulad ng sinasabi ni Pablo na “kilalanin ninyo ang isinusulat ko” bagkus ang sinasabi ng Panginoon ay “dinidirinig ng mga tupa ang Aking tinig”?

Ang sabi ng Panginoong Jesus ay ganito

Lucas 10:16 "Ang nakikinig sa inyo, ay sa akin nakikinig"

Ang sabi ng Panginoong Jesus sa kaniyang alagad, ang nakikinig sa inyo, ay sa akin nakikinig.

Tanong: Ang mga alagad ba ng Panginoon na nakikinig sa Kanya, tinuruan niya ba ito bago siya umakyat sa langit?

Sagot: Mateo 28:20 "Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo"

Siguro naman maliwanag sa'yo na ang mga alagad na nakikinig ng turo ng Panginoon. At ang utos ng Panginoon sa kaniyang mga alagad na magturo o mangaral.

Tanong: Isinulat ba ang mga bagay na iniutos ng Panginoon?

Sagot: 1Juan 1:4 At ang mga bagay na ito ay aming isinusulat, upang ang ating kagalakan ay malubos.

Tanong: Ang mga bagay na utos ng Panginoon na isinulat ng mga apostol, sa kanilang sariling pagpapaliwanag ba ito?

2Ped.1:20 Na maalaman muna ito, na alin mang hula ng kasulatan ay hindi nagbuhat sa sariling pagpapaliwanag.

Ipinakikita ko lang sa'yo kung paanong ang mga bagay ng utos ng Panginoon naisulat na hindi sa kanilang sariling pagpapaliwanag.  At ito ay hindi kuwento na ginagawa mo ngayon.

Sa tanong mo na bakit ang sabi ni pablo na kilalanin niyo ang isinusulat ko?

Ganito ang nakasulat sa biblia
1Cor. 14:37 Kung iniisip ninoman na siya'y propeta, o ayon sa espiritu, ay kilalanin niya ang mga bagay na sa inyo isinusulat ko, na pawang utos ng Panginoon.

Kaninong utos ang isinusulat ni Pablo? Si Pablo din ang sumagot, ang sabi niya "pawang utos ng Panginoon"

Ang mga kristiano nung una sa panahon ng pangangaral ni Pablo sa Corinto ang utos na sinusunod nila pawang utos ng panginoon na isinulat ni Pablo.

Sa ikalawang tanong mo na, bagkus ang sinasabi ng panginoon ay dinirinig ng mga tupa ang aking tinig?

Ganito ang nakasulat sa biblia
Juan 10:27 Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisinunod sa akin:

Ang mga tanong ko sa'yo ay ganito,
1. Si apostol Pablo ba ay narinig ang tinig ng Panginoon?
2. Si apostol Pablo ba ay tupa ni Cristo o hindi?

3. Si apostol Pablo ba ay nakikilala ng Panginoon?
4. Si apostol Pablo ba ay sumunod sa Panginoong Jesus?



 
Ang Dios ay matuwid na hukom, Oo, Dios na may galit araw-araw

Mga Awit 7:11

Offline Pardonnés™

  • I'm Forgiven... Because You Were Forsaken...
  • Forum Resident
  • *****
  • Posts: 221
  • Dei Gratia
    • vancouver shooter online flickr gallery
Re: Ako ang Mabuting Pastol
« Reply #21 on: December 10, 2008, 07:40:04 PM »
Paalala lamang Aquila na ang biblia ay hindi ang Dios at di ba mas marapat na ang faith natin ay nasa Dios na buhay at totoo. Kung ang faith ay nasa bible, kung ano ang nasasaad sa biblia at kung papaano ito nauunawaan ng bumabasa, iyon ang sinusunod ng bumabasa kaya ang suma total ay ang biblia ang sinusunod niya at hindi ang Dios sa katotohanan kung papaano umiiral ang buhay at totoong Dios.

Just out of curiosity... Are you dismissing the value of the Bible?

Offline mengski_01

  • Cadet
  • *****
  • Posts: 24
    • Truthcaster
Re: Ako ang Mabuting Pastol
« Reply #22 on: December 10, 2008, 08:49:52 PM »


arsen:
Matanong ko lang.

(1)Kapag tayo ba ay kinukonsensya para gawin kung ano ang nararapat, tuwid, mabuti   at para sa kapakanan ng mas nakakarami.

mengski_01
Kung kinukonsyensya ang isang tao na ibig niyang gumawa ng mabuti at hindi ginawa ang sabi sa biblia ay ganito,

Santiago.4:17 Sa nakakaalam nga ng paggawa ng mabuti, at hindi ginawa, ito'y kasalanan sa kaniya.

Kung may pagkakataon na tumulong sa dapat tulungan at may kakayahan din naman 'yung tao na tulungan ang nangangailangan at ipinagdamot nagkakasala nga siya.


arsen:
(2)Sino kumaka-usap sa puso natin?  Hinde ba tayo kinaka-usap na ng Panginoon sa mga oras na yun?

mengski_01:
Sabi sa biblia ay ganito,
Jeremias 17:10 Akong Panginoon, ay sumisiyasat ng pagiisip, aking tinatarok ang mga puso, upang magbigay sa bawa't tao ng ayon sa kanikaniyang lakad, ayon sa bunga ng kanikaniyang mga gawain.

Sinisiyasat ng Dios ang ating pagiisip at tinatarok din niya ang ating puso.  Kung ang intensyon ng puso gumawa ng mabuti, Dios ang nagsasabi na gumawa  ka ng mabuti.
Kung ang intensyon ng puso gustong gumawa ng masama, hindi Dios ang naguutos nun.
Pero puede kaniyang kausapin.  Sa papaanong paraan?

Halimbawa ganito, Sa sobrang hirap na dinaranas sa buhay at pangaapi sa'yo ng kapwa tao gusto mong gumanti ng masama, tulad ng pagpatay.

Ang sabi ng Dios ay ganito,

Deut.5:7 Huwag kang papatay.

Utos ng Dios na huwag kang papatay at biglang ipinasagi sa isip mo 'yun at sinunod mo naman, sa pagkakataong yaon nagsalita ang Dios sa'yo.  At sinunod mo ang payo ng Dios tulad ng,

Roma 12:19 Huwag kayong mangaghigantihan, mga iniibig, kundi bigyan ninyong daan ang galit ng Dios:sapagka't nasusulat, Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.

arsen:
(3) (a)Lagi ba natin hanapin ang kasagutan sa Bible or (b)kailangan ba na galing  sa mga iniidolong Pastor para makarinig ng Salita ng Diyos?

mengski_01:
a. Tama ang ginagawa mo sa biblia dapat hanapin ang kasagutan.  Dahil ang biblia o mga banal nakasulatan ay,

2Tim.3:15 At mula sa pagkasanggol ay iyong nalalaman ang mga banal na kasulatan na makapagpapadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.

2Tim.3:16 Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran:

2Tim 3:17 Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.

Papaano maging sakdal ang tao ng Dios? Tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti. Sa pamamagitan ng banal na kasulatan na magbibigay ng dunong sa ikaliligtas.

b. Kailangan talaga ng taga pagturo o pastor.
Sabi sa biblia 
2Tim.3:16 "Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din na naman sa pagtuturo"

Sino ang magtuturo?
Juan 7:16 Sinagot nga sila ni Jesus, at sinabi, Ang turo ko ay hindi akin, kundi doon sa nagsugo sa akin.

Mateo 28:20 "Na ituro niyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo"

Juan 14:26 "Datapuwa't ang Mangaaliw, sa makatuwid baga'y ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking pangalan, siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalaala ng lahat na sa inyo'y aking sinabi."

Una, ang mga aral na itinuro ni Cristo sa mga apostol galing sa Dios Ama. Pangalawa magsusugo ang Dios ng Espiritu Santo sa mga apostol para sila makapagturo.

Papaano naman makakapagturo ang mga apostol?
2Tes.2:15 Kaya nga, mga kapatid, kayo'y mangagtibay, at inyong panghawakan ang mga aral na sa inyo'y itinuro, maging sa pamamagitan ng salita, o ng aming sulat."

Ang mga apostol makapagtuturo sila sa pamamagitan ng salita o ng aming Sulat.

Kaya sa biblia mababasa mo sulat ni apostol Juan, sulat ni apostol Pedro, sulat ni apostol Pablo etc.

Ano naman ang dapat ugaliin ng mga tinuturuan?
1Cor.4:6 Ang mga bagay ngang ito, mga kapatid, ay inianyo ko sa halimbawa sa aking sarili at kay Apolos dahil sa inyo; upang sa amin ay mangatuto kayo na huwag magsihigit sa mga bagay na nangasusulat; upang ang sinoman sa inyo ay huwag magpalalo ang isa laban sa iba.

Ang mga kristiano tinuturuan na huwag magsihigit sa mga bagay na nangasusulat.  Maging siya ay taga pagturo nito.

arsen:
(4)Hinde ba pumasok ni minsan sa mga isip nyo na karamihan sa mga nasusulat sa Bibliya ay mga nilalaman ng puso ng nga writers na sya naman kinaka-usap ng Diyos?


Mengski_01
Hindi po 'yun nilalaman ng puso ng writers kaya sila sumusulat kundi udyok 'yun ng Espiritu Santo kaya nila sinulat ang mga bagay ng kautusan ng Panginoon. At ang mga sumulat nito may takot sa Dios.

Malakias 3:16 Nang magkagayo'y silang nangatatakot sa Panginoon ay nagsangusapan: at pinakinggan ng Panginoon, at dininig, at isang aklat ng alaala ay nasulat sa harap niya, para sa kanila na nangatakot sa Panginoon, at gumunita ng kaniyang pangalan.

 
« Last Edit: December 10, 2008, 09:09:28 PM by mengski_01 »
Ang Dios ay matuwid na hukom, Oo, Dios na may galit araw-araw

Mga Awit 7:11

Offline mengski_01

  • Cadet
  • *****
  • Posts: 24
    • Truthcaster
Re: Ako ang Mabuting Pastol
« Reply #23 on: December 10, 2008, 09:36:08 PM »
Alam mo scorpia hilong hilo ka na siguro, dito sa sinabi mo, ang batayan mo biblia.

Maraming mga relihiyon at samahan ang ngayo'y naglipana sa daigdig at ang mga ito'y pinamumunuan ng iba't-ibang taong pastol (daw) pero basahin natin ang biblia at doo'y mababasa natin na ang Panginoong Jesus ang Mabuting Pastol at hindi ang mga iba't-ibang tao na nag-aangkin na sila ay sugo ng Dios. Ano ba talaga ang ibig sabihin ng Panginoong Jesus nang sabihin Niya na "Ako ang Mabuting Pastol?"


Ano ba talaga ang paninindigan mo, kailangan ba ang biblia o hindi?


Ang Dios ay matuwid na hukom, Oo, Dios na may galit araw-araw

Mga Awit 7:11

Offline scorpia

  • Forum Citizen
  • *****
  • Posts: 463
  • Seek your own salvation who is no other but God
Re: Ako ang Mabuting Pastol
« Reply #24 on: December 11, 2008, 04:00:12 PM »
 
Tanong: Ang tinutukoy mo ba na salitang nababasa kahit saan, isa ba rito ang biblia na kinasusulatan ng mga salita ng Dios?

Hindi, ang mga ito ay mga titik at letra at salita na kung ipaghalimbawa na nangyari na nandoon ka sa mga sumandaling nagmemensahe ang Panginoon, ang mga salitang iyon ay maaring sa damit mo mismo lumitaw, o sa dinding, o sa pader, o sa sahig, o kahit saan.

Tanong: Pakipaliwanag kung anong ibig mong sabihin sa "relihiyon" ayon sa sarili mong interpretasyon.

Mga samahang panrelihiyon na nangangalap ng mga miembro tulad ng SDA, Church of Christ, INC, Born Again Movements, Baptist, LDS, Pentecostal Church, etc.
 
Tanong: Anong vessels naman ginamit para maniwala kang tinig ng Panginoong Jesus ang Narinig mo, tulad din ba ng anghel at burning bush? O di, kaya ay Celfone   o kaya sa internet nakipag chat ka sa kaniya (vessels din na matatawag 'yun)   
Hindi naman ito sa panunuya kasi nasa makabagong panahon na tayo, high tech na ang mga gadget.

Ang ES, 2 anghel, telescreen material, tinig, at isang batang lalaki, at tama ka cellphone.

Tanong: Anong katibayan mo naman na hindi sariling unawa mo ang sinasabi mo sa Juan 10:3 at Juan 10:27?


Ipinakilala sa amin ng Panginoon kung sino, ano, at papaano Siya umiiral bilang ang Panginoong Dios na Makapangyarihan sa lahat at itinuro Niya sa amin kung papaano Siya umiiral bilang ang Mabuting Pastol, ang Pintuan, ang Tagabantay ang Tagapagbukas ng pintuan ng mga tupa. Sinabi ng Panginoon na ang katotohanan patungkol diya ay matagal na panahon na nalihim sa buong sangkatauhan na ngayon ay unti-unti nang nahahayag bagama’t halos lahat ng makarinig at maka-alam ay ayaw pa ring ibigay sa Panginoon ang tungkuling iyan.

Ang sabi ng Panginoong Jesus ay ganito

Lucas 10:16 "Ang nakikinig sa inyo, ay sa akin nakikinig"

Ang sabi ng Panginoong Jesus sa kaniyang alagad, ang nakikinig sa inyo, ay sa akin nakikinig.

Tanong: Ang mga alagad ba ng Panginoon na nakikinig sa Kanya, tinuruan niya ba ito bago siya umakyat sa langit?

Oo, at kahit pa ang katawang tinirahan ng Panginoon ay kinuha na paitaas ay Siya pa rin ang nagtuturo sa mga alagad dahil Siya ang Puno at Leader ng Iglesya kung saan ang mga alagad ay inilagay Niya. At ang isang magandang halimbawa dito na natala sa biblia ay si apostol Pablo na kahit na wala na sa pagkakatawang tao ang Panginoon ay Siya pa rin ang nagtuturo kay Pablo. Isang patunay rin ito na totoo ang sinabi ng Panginoon ay Siya ay parating sumasa mga alagad Niya hanggang sa katapusan ng panahon.

Hindi mo puedeng sabihin ngayon na kay Pablo ka nakikinig dahil si Pablo ay patay na at kung mayroon ka mang pinakikinggan ngayon, hindi si Pablo iyon kundi ang nababasa at nauunawaan mo sa biblia na hindi naman ang Dios ni si Pablo. At kung buhay man naman si Pablo sa ngayon at nangyaring nakausap mo ay ituturo ka rin Niya na lumapit at pumunta kay Jesus upang kay Jesus mo mismo marinig, sa katotohanan kung papaano Siya umiiral at nabubuhay, kung anu-ano ang ipag-uutos niya sa iyo upang iyong sundin.

Sagot: Mateo 28:20 "Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo"

Siguro naman maliwanag sa'yo na ang mga alagad na nakikinig ng turo ng Panginoon. At ang utos ng Panginoon sa kaniyang mga alagad na magturo o mangaral.

Tamang nasusulat iyan at sinabi ng Panginoon dahil kung paapaano nasusulat iyan ay ganiyan din naming tinanggap mula sa Panginoon pero ang kaibahan nga lamang sa ngayon ay sinabi sa amin ng Panginoon kung papaano gagawin ang mga bagay na iyan. Ang unang punto diyan ay pagtuturo iyan na di tulad ng ginagawa ng mga taong pastor ngayon dahil ang gayong gawain ayon sa Panginoon ay gawaing angkop lamang para sa Kanya bilang ang Mabuting Pastol. Ang pagtuturo diyan na sinasabi ng Panginoon ay pagsisiwalat lamang sa mga tao ng mga bagay na sinalita sa kanila ng Panginoon (hindi magsesermon ni magbabasa ng mga sitas sa biblia at pagkatapos ay gagawan ng sermon ng taong pastor). Ang pinaka natatanging katuruan na dapat malaman ng lahat ay ang katuruang ang lahat ay nararapat na pumunta sa Panginoong lamang upang sa Panginoon mimso mag-aral at matuto ang lahat.  Ang mga iba ay upang ibahagi lamang sa mga tao ang marami pang mga tagubilin ng Panginoon hindi upang ang mga ito ang kukuhanin at susundin ng mga tao kundi upang Makita ng mga tao na talagang may Dios na nagbibigay noon na kung sila man matapos marinig ang mga iyon ay pumunta sa Dios, sila man ay makakarinig at makakakuha mula sa Dios.

Tanong: Isinulat ba ang mga bagay na iniutos ng Panginoon?

Sagot: 1Juan 1:4 At ang mga bagay na ito ay aming isinusulat, upang ang ating kagalakan ay malubos.

Ang Panginoon mismo ang nagpasulat ng mga iyan upang ang mga tao ay magkaroon ng bagay na iyan na nagpapatotoo sa lahat ngayon na sadyang may Dios na dapat puntahan ang lahat. Iyan lamang ang purpose kung bakit ipinasulat ng Panginoon ang biblia, upang malaman natin na nakabasa niyan na may Dios na buhay at totoo na dapat puntahan at katutuhan ng lahat. Hindi nasulat ang biblia para malaman ng tao kung sino, ano, at papaano ang Dios sa sarili Niyang pag-iral at pagiging buhay. Ang Dios mismo na totoo at buhay ang tanging Siya lamang may gawain ng pagtuturo sa mga tao kung sino, ano, at papaano ang Dios.

Tanong: Ang mga bagay na utos ng Panginoon na isinulat ng mga apostol, sa kanilang sariling pagpapaliwanag ba ito?

2Ped.1:20 Na maalaman muna ito, na alin mang hula ng kasulatan ay hindi nagbuhat sa sariling pagpapaliwanag.

Ipinakikita ko lang sa'yo kung paanong ang mga bagay ng utos ng Panginoon naisulat na hindi sa kanilang sariling pagpapaliwanag.  At ito ay hindi kuwento na ginagawa mo ngayon.

Parehas lamang naman ang pagtanggap ng mga katuruan mula sa Panginoon sa anomang kapanahunan at iyon ay ang isulat lamang ang mga bagay na ipinasusulat ng Panginoon, walang labis walang kulang at panatilihing lihim ang mga bagay na ayaw ipasiwalat ng Panginoon na nasabi o naituro Niya. At kung ano lamang ang ipinasasabi sa mga tao ay iyon lamang din ang dapat gawin ng sinomang inuutusan ng Panginoon.

Sa tanong mo na bakit ang sabi ni pablo na kilalanin niyo ang isinusulat ko?

Ganito ang nakasulat sa biblia
1Cor. 14:37 Kung iniisip ninoman na siya'y propeta, o ayon sa espiritu, ay kilalanin niya ang mga bagay na sa inyo isinusulat ko, na pawang utos ng Panginoon.

Kaninong utos ang isinusulat ni Pablo? Si Pablo din ang sumagot, ang sabi niya "pawang utos ng Panginoon"

Ang mga kristiano nung una sa panahon ng pangangaral ni Pablo sa Corinto ang utos na sinusunod nila pawang utos ng panginoon na isinulat ni Pablo.

Problema ng mga tao noon iyan kung papaano sila uunawa at makikinig dahil buhay si Pablo noon at ang Panginoon mismo ang nagtuturo kay Pablo kung ano ang dapat niyang gawin. Kung nagawa o hindi ni Pablo ang kautusan sa kanya ng Panginoon ay hindi natin kayang abutin ng kaalaman ang mga iyon sa ngayon. Tanong at sagot mo ito batay sa iyong unawa at pagpili at hindi si Pablo ang sumasagot sa tanong mo kundi ikaw din ayon sa iyong pagpili, sana ay idilat mo ang mata mo dito na ikaw lamang ito na gumagawa ng tanong at sagot mula sa biblia na hindi naman si Pablo ni ang Panginoon.

Sa ikalawang tanong mo na, bagkus ang sinasabi ng panginoon ay dinirinig ng mga tupa ang aking tinig?

Ganito ang nakasulat sa biblia
Juan 10:27 Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisinunod sa akin:

Ang mga tanong ko sa'yo ay ganito,
1. Si apostol Pablo ba ay narinig ang tinig ng Panginoon?
2. Si apostol Pablo ba ay tupa ni Cristo o hindi?
3. Si apostol Pablo ba ay nakikilala ng Panginoon?
4. Si apostol Pablo ba ay sumunod sa Panginoong Jesus?

1.   Si apostol Pablo ay narinig si Jesus sa pamamagitan ng tinig at liwanag pero ang tunay na tinig at anyo ng Panginoong Jesus ay hindi narinig ni nakita ni Pablo (baka sabihin mo naman na nahihilo ka dito).
2.   Oo, si apostol Pablo ay tupa ng Panginoong Jesus.
3.   Oo, si apostol Pablo ay nakikilala ang Panginoon noon dahil ang Panginoon ang tumawag sa kanya at ipinakilala ng Panginoon kay Pablo kung sino Siya.
4.   Oo, sumunod si Pablo sa Panginoong Jesus.

« Last Edit: December 11, 2008, 04:02:20 PM by scorpia »

Offline scorpia

  • Forum Citizen
  • *****
  • Posts: 463
  • Seek your own salvation who is no other but God
Re: Ako ang Mabuting Pastol
« Reply #25 on: December 11, 2008, 04:14:00 PM »
Alam mo scorpia hilong hilo ka na siguro, dito sa sinabi mo, ang batayan mo biblia.
Quote from: scorpia on November 30, 2008, 02:44:38 AM
Maraming mga relihiyon at samahan ang ngayo'y naglipana sa daigdig at ang mga ito'y pinamumunuan ng iba't-ibang taong pastol (daw) pero basahin natin ang biblia at doo'y mababasa natin na ang Panginoong Jesus ang Mabuting Pastol at hindi ang mga iba't-ibang tao na nag-aangkin na sila ay sugo ng Dios. Ano ba talaga ang ibig sabihin ng Panginoong Jesus nang sabihin Niya na "Ako ang Mabuting Pastol?"


Ano ba talaga ang paninindigan mo, kailangan ba ang biblia o hindi?

Kasi naman ay mga relihiyon at samahang panrelihiyon ang subject diyan na kung ating titingnan ay tanging biblia ang gamit ng lahat ng relihiyon sa ngayon, di ba? Ang punto diyan ay ito, sa kabila ng lahat na ang mga relihiyon ay panay ang pagbabasa ng biblia ay nanatili sila na sila-sila ay patuloy na may taong pastor samantalang ang biblia na batayan nila (hindi ako) ng katotohanan (daw) at anomang bagay patungkol sa Dios (gayong hindin naman ang biblia ang Dios na buhay at totoo) ay may natatala na Ang Panginoon ang Mabuting Pastol at Puno ng Iglesya. Itinatanong ko sa mga relihiyon kung bakit sa kabila na ang biblia mismo ay may tala na ang Panginoon ang Mabuting Pastol at Puno ng Iglesya, bakit ayaw nila itong pakinggan at patuloy sila sa pagkakaroon ng taong pastor na hindi naman inuutusan ng Panginoong Jesus tulad kung papaano inutusan ng Panginoon si Pablo o kaya ay si Moses, o dili naman kaya ay si Elias? Kung hindi pa malinaw sa iyo ito ay mangyari na sabihin mo lamang at nang maliwanag ko pa.

Ang paninindigan ko ay ang Dios mismo (hindi ang biblia) sa katotohan kung papaano Siya umiiral at nabubuhay ang kailangan nating lapitan at puntahan

Offline scorpia

  • Forum Citizen
  • *****
  • Posts: 463
  • Seek your own salvation who is no other but God
Re: Ako ang Mabuting Pastol
« Reply #26 on: December 11, 2008, 04:17:02 PM »
Just out of curiosity... Are you dismissing the value of the Bible?
Can you kindly tell me first what value of the bible are you talking about before I respond to your question?

Offline Pardonnés™

  • I'm Forgiven... Because You Were Forsaken...
  • Forum Resident
  • *****
  • Posts: 221
  • Dei Gratia
    • vancouver shooter online flickr gallery
Re: Ako ang Mabuting Pastol
« Reply #27 on: December 11, 2008, 04:27:21 PM »
Can you kindly tell me first what value of the bible are you talking about before I respond to your question?

The value in which the Bible contains the Words of God.

Offline edjay™

  • Glad to be a part!!
  • Junior Global Moderator
  • *****
  • Posts: 1965
  • Who Shall Separate us from the LOVE of CHRIST
Re: Ako ang Mabuting Pastol
« Reply #28 on: December 11, 2008, 04:32:18 PM »
The value in which the Bible contains the Words of God.

Bro. ang isasagot sayu nyan ni scorpia, yung BIble hindi naman yun purely words of God... meron din daw yan salita ng tao, at salita ni satan....kabisado ko na yan si scorpia

redundancy nalang ang nangyayari sa usaping ito...walang kahihinatnan...
THE WORDS of the LORD are pure words: 
Psalms12:6

Offline scorpia

  • Forum Citizen
  • *****
  • Posts: 463
  • Seek your own salvation who is no other but God
Re: Ako ang Mabuting Pastol
« Reply #29 on: December 11, 2008, 04:36:12 PM »
The value in which the Bible contains the Words of God.
In that case I do not discount the truth that the bible contains Words which the Lord God Jesus Christ spoke during the OT and the NT times but this does not give any authority to the bible for us to look at it as the only source and final authority in all truth. To me, only the Lord God Jesus Christ (not the bible), in the reality of His existence, is the only source and final authority in all truth. If we want to know in the bible any of those words which the Lord did speak then, we need to come to Jesus in the reality of His existence and ask from Him what are those words in the bible today.